Nakiisa ang mga tauhan ng Commision on Elections sa isinagawang 18-Day Campaign to End Violence Against Women sa Capitan National High School, Tui Daguioman, Abra nito lamang Disyembre 07, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Daguioman Municipal Police Station katuwang ang mga miyembro ng Commission on Elections.
Ito ay dinaluhan ng mga Grade 11 at Grade 12 na mag-aaral ng Capitan National High School.
Ang nasabing grupo ay nagturo sa mga mag-aaral ng Violence Against Women and Their Children at Bawal Bastos Law.
Ito ay naglalayong madagdagan ang kamalayan ng mga mag-aaral patungkol sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children at makiisa ang mga mag-aaral sa pagsulong at pagsugpong karahasan sa ating komunidad.