14.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

CARTS Project Groundbreaking Ceremony isinagawa sa Mt. Province

Nagsagawa ng Groundbreaking Ceremony ang Department of Science and Technology-Cordillera para sa Cableways for Agricultural Resource Transport System (CARTS) Project sa Monamon Sur, Bauko, Mt. Province noong Nobyembre 29, 2022.

Ang programa ay pinangunahan ni DOST-PCIEERD Executive Director Dr. Enrico C. Paringit at dinaluhan ng mga kinatawan ng DOST-CAR, Bauko at Mt. Province LGU Officials, Towaden-Bito Farmers Association, mga benepisyaryo at iba’t ibang mga stakeholders sa Cordillera.

Ang nasabing proyekto ay napondonhan sa Niche Centers for the Regions (NICER) Program ng DOST, Bauko Local Government at sa pakikipagtulungan ng mga stakeholders.

Ang nasabing proyekto ay para makapagbigay ng alternatibong transportasyon para sa mga produktong pang-agrikultura at inobasyon sa Mt. Province.

Inaasahan na sa buwan ng Mayo sa susunod na taon ay matatapos ang nasabing proyekto.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles