14.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

MBA-CSR Class ng Lyceum Northwestern University, nagsagawa ng livelihood training

Nagsagawa ng livelihood training ang Lyceum Northwestern University (LNU), Master in Business Administration (MBA) tulad ng paggawa ng dishwashing liquid at graham ball dessert na ginanap sa E-Library ng Dagupan City, Pangasinan nito lamang Nobyembre 28, 2022.

Dinaluhan ito ng 30 participant mula sa Dagupan Lesbians at Gays Association (DALAGA) na siyang beneficiary ng program training sa pakikipag-ugnayan naman ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Hinihikayat naman ni Mayor Belen T. Fernandez ang mga beneficiaries na pag-aralan ang iba’t ibang aspeto ng kanilang produkto tulad ng branding, marketing at evaluation upang ito’y mapabuti pa at lumago.

Pinuri din niya ang LNU sa pagsagawa ng mga trainings upang magsilbing additional income o sideline ng mga nangangailangan.

Ayon kay Dr. Bernadette Abella, professor ng CSR, nais ng LNU na makatulong sa mga needy Dagupeños upang magkaroon sila ng additional livelihood opportunities o business kung kaya nakipag-ugnayan sila sa CSWDO para dito.

Ipinagkaloob din sa mga participants ang starter kits upang makapagsimula sila ng negosyo at matulungan sa kanilang pamumuhay.

Nagpasalamat naman si DALAGA President Marvin Sabado sa pagkakataong matutunan ang dishwashing liquid making at dessert making upang makapagsimula ang kanilang mga members ng additional income.

Dumalo rin sa programa sina Vice President for Academic Affairs Dr. Marina Abella at mga members ng Rotary Club of Uptown Dagupan 2000.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles