Sugatan ang 12 indibidwal matapos maaksidente sa Balacbac Circumferential, Lower Balacbac, Sto. Tomas Proper, Baguio City nito lamang ika-28 ng Nobyembre 2022.
Batay sa ulat, ang mga nasugatan ay magkakapamilya kabilang ang dalawang menor-de-edad mula Bacoor City na planong magbakasyon sa naturang syudad.
Nabatid na galing sa Christmas Village ang mga biktima at pauwi na sana subalit pagtungtong sa kahabaan ng Sto. Tomas Proper ay nawalan ng kontrol ang sasakyan na dahilan ng pagbaliktad nito
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng City Mobile Force Company ng Baguio City Police Office at mga rescuers sa insidente at dinala ang mga biktima sa Baguio General Hospital para sa agarang lunas at atensyong medikal.