15 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

Pamahalaang Lungsod ng Batac, nakatanggap ng dalawang pagkilala mula sa Civil Service Commission

City of Batac, Ilocos Norte – Ang Pamahalaang Lungsod ng Batac sa pamumuno ni Mayor Albert D. Chua ay nakatanggap ng dalawang pagkilala na iginawad ng Civil Service Commission (CSC) na tinaguriang “Pammadayaw 2022”, ang taunang recognition rites ng Pamahalaang lungsod nitong ika-22 ng Nobyembre 2022.

Ayon kay Hon. Mayor Albert D. Chua, ang unang parangal ay Certificate of Appreciation na ibinigay ng CSC Regional at Central Offices para sa pagbibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Batac ng huwarang serbisyo publiko sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Ang pangalawa ay ang Bronze Award para sa pagkamit ng process-defined Human Resource Management sa apat na pangunahing sistema ng HRM sa ilalim ng Enhanced Program for Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM).

Ayon pa kay Hon. Mayor Chua, ang Plaque of Recognition ay iginawad ni Atty. Rex Ami, Director, CSC – Ilocos Norte Field Office para sa mga opisyal ng naturang lungsod.

Ang pagbibigay ng parangal ng karangalan ay naglalayong mag-udyok o magbigay ng inspirasyon sa mga empleyado ng gobyerno na mapabuti ang kalidad ng kanilang pagganap at magtanim ng mas malalim na pakikilahok sa serbisyo publiko.

Source: City Government of Batac

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles