Ginunita ng mga Tabukeño ang National Day of Remembrance for Road Crash Victims, Survivors and their Families sa City Hall Canopy Tabuk, Kalinga nito lamang ika-21 ng Nobyembre taong kasalukuyan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng City Local Government Unit na pinamumunuan ni Hon. Mayor Darwin C. Estrañero katuwang ang Tabuk City Municipal Police Station.
Sa naturang seremonya ay inalala ang mga naging biktima ng mga aksidente sa daan at ang paghihirap ng kanilang mga pamilya, gayundin upang paigtingin ang kamalayan ng publiko sa mga pinsalang idinudulot ng mga aksidente at kung paano ito maiiwasan.
Ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11468 na pinamagatang An Act Designating the Third Sunday of November Every Year as The National Day of Remembrance of Road Crash Victims, Survivors and their Families.