oluntaryong sumuko ang isang lider ng New People’s Army (NPA) sa Bario sa tanggapan ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company Headquarters nito lamang ika -18 ng Nobyembre 2022.
Kinilala ang sumukong rebelde bilang team leader ng Militia ng Bayan o NPA sa Bario – Besao Chapter na kabilang sa Kilusang Larangang Guerilya (KLG) AMPIS at binansagang Weakened Guerilla Front (WGF).
Kasabay ng kanyang pagsuko ang kanyang armas na isang US Garand Rifle na may tatlong pirasong en-bloc clip at anim na live ammunition.
Ayon sa ulat, napasuko ang rebelde dahil sa pagsisikap at serye ng mga negosasyon na isinagawa ng mga otoridad.
“Kami po ay nananawagan sa mga teroristang grupo na sumuko na sa ating gobyerno sapagkat hinihintay kayo ng iyong pamilya upang makasama sa pagdiriwang ng kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon,” pahayag ni Police Lieutenant Colonel Roy Awisan.