Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng lokal na pamahalaan ng Narvacan, Ilocos Sur ang pagsasagawa ng Earthquake Drill sa nasabing bayan nitong ika-10 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.
Ang Earthquake Drill ay nilahukan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Narvacan.
Dito ay muli silang pinaalalahanan ng mga dapat gawin na manatiling alerto at huwag mag-panic kapag lumilindol.
Tinuruan din sila ng tamang pamamaraan kung paano isagawa ang “Duck, Cover and Hold”.
Sa mensahe ng mga taga-Bureau of Fire Protection ay sinabi nilang seryosohin ang nasabing earthquake drill dahil kung kanilang matatandaan ay dalawang beses nang niyanig ng malalakas na lindol ang Hilagang Luzon puwera pa ang hindi na mabilang na malalakas ding aftershocks nito.
Lubos naman ang pasasalamat ng LGU-Narvacan sa mga kaalamang ibinahagi ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection.
Source: Narvacan Naisangsangayan