23.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

LGU Solana, aktibong nakiisa sa Orientation sa Drug Free Workplace Program

Aktibong nakiisa ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Solana Cagayan sa isinagawang Orientation on Drug Free Workplace Program na ginanap sa Municipal Gymnasium, Centro Solana, Cagayan noong November 8, 2022.

Maliban sa mga empleyado ng LGU ay lumahok din ang mga miyembro ng Solana Police Station, Cagayan Police Provincial Office, Bureau of Fire Protection (BFP) Solana, Sangguniang Bayan Members, at Tokhang Responders.

Samantala, ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagsagawa ng lecture tungkol sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nagkaroon din ng random drug testing sa mga dumalo sa aktibidad.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong i-orient ang mga kalahok upang makamit ang Drug-Free Workplace alinsunod sa programa ng pamahalaan na Drug-Free Community.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles