Bumisita kamakailan ang Italian Ambassador na si Marco Clemente, kasama ang kanyang grupo sa Narvacan, Ilocos Sur partikular sa pamosong Spanish Watch Tower na matatagpuan sa Brgy. Sulvec, Narvacan, Ilocos Sur.
Pinuri ni Ambassador Clemente ang nasabing Watchtower na kasalukuyang pinapaganda at pinapaayos para maging isa sa mga pangunahing atraksyong pangturista hindi lamang sa Narvacan, kundi sa buong Ilocos Sur.
Layunin din ng pagsasaayos na i-preserba ang mayamang kasaysayan at kultura ng bayan ng Narvacan. Ang Watch Tower ay isa sa mga ilan na lamang naiwang Historical Site sa Narvacan, Ilocos Sur.
Bilang alala sa pagbisita ni Ambasador Clemente, siya ay pinagkalooban ng lokal na pamahalaan sa panguguna ni Mayor Pablito Sanidad, Sr. ng isang kopya ng libro ng “Narvacan Naisangsangayan” na ang butihing mayor mismo ang may-akda.
Kasama ni Mayor Sanidad ang mga bumubuo sa opisina ng Sangguniang Bayan na pinangungunahan ni Bise Mayor Carlos Valera na tumanggap sa panauhin.
Source: Narvacan Naisangsangayan