Patuloy na nagbibigay ng tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa mga senior citizens na mga residente ng Brgy. Capaya, Angeles City nito lamang Miyerkules, ika-2 ng Nobyembre 2022.
Ang programang ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon Carmelo Lazatin Jr., City Mayor ng Angeles City katuwang ang mga tauhan ng City Health Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Nabigyan ng tulong pinansyal, bigas at vitamins ang umabot sa 494 na mga senior citizens na nagmula sa iba’t ibang barangay ng naturang lungsod.
Samantala, mabibigyan rin ng libreng medical check-up at laboratory test ang mga naka bedridden at sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na patuloy na mabigyan ng importansya at dekalidad na serbisyo ang mga senior citizen sa kanilang nasasakuan.