Dagupan City, Pangasinan – Nakatanggap ang 155 na pamilya ng tulong mula sa ahensya ng Barangay Disaster Risk Reduction Council (BDRRMC), at City Social Welfare and Development (CSWD) sa Evacuation Centers ng Dagupan City, Pangasinan nito lamang Oktubre 30, 2022.
Ang mga evacuees ay mula sa Brgy. Poblacion Oeste, Bacayao Norte, Calamay, Carael, Bonuan Gueset, Brgy. 1, at Pogo Grande.
Sila ang mga pamilyang lubhang naapektuhan ng bagyong Paeng.
Ayon kay Mayor Belen T Fernandez, pasasalamat ang ipararating niya sa maagap na aksyon ng mga Barangay Risk Reduction Council, at City Social Welfare and Development.