19.3 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

VolunTOURISM sa Hundred Islands National Park, matagumpay na naisagawa

Ang volunTOURISM project na may temang “VolunTOURISM: 100 Volunteers for Hundred Islands National Park” ay matagumpay na nailunsad ng Local Government Unit ng Alaminos City nitong ika-28 ng Oktubre 2022.

Ang VolunTOURISM ay naglalayong mapanatili ang kalinisan, kagandahan at mapangalagaan ang naturang kilalang tourist spot sa lungsod.

Kabilang sa aktibidad ng VolunTOURISM ay ang paglilinis ng kabuuan ng Hundred Islands National Park, paninisid ng mga kalat sa dagat at pamumulot ng mga basura sa baybayin ng Hundred Islands.

Ang naturang proyekto ay inisyatibo ni 1st District Congressman Arthur Celeste katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni City Mayor Arth Bryan Celeste.

Nakilahok sa naturang programa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at iba pang mga volunteers.

Ang lahat ng adhikain ng ating pamahalaan ay matagumpay na maisasakatuparan kung tayo ay may pagkakaisa at pagtutulungan.

Source: LGU Alaminos City, Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles