Umarangkada ang pagbabakuna ng City Health Office sa mga senior citizen na residente ng iba’t ibang barangay ng Angeles City nito lamang Huwebes, ika-27 ng Oktubre 2022.
Ang naturang programa ay sa pangunguna ni City Mayor Carmelo Lazatin Jr. katuwang ang City Health Office, Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office at Gender and Development Office.
Umabot sa 7,000 na senior citizen na may edad 60-65 taong gulang ang nabakuhanan ng anti-flu at anti-pneumonia.
Sinisiguro ng pamahalaang lungsod ng Angeles na maging prayoridad ang kapakanan at kalusugan ng mga mamamayan upang makaiwas sa anumang uri ng sakit.