21.1 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

RTF-ELCAC, nagsagawa ng Serbisyo Caravan sa Lalawigan ng Cagayan

Nagsagawa na naman ng isang Serbisyo Caravan ang Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa Barangay Annafatan, Amulung, Cagayan noong Oktubre 21, 2022.

Pinangunahan ng National Intelligence Coordinating Agency-2 (NICA) ang Caravan na may layuning dalhin sa mga malalayong baryo ang mga programa at serbisyo ng gobyerno lalo na sa mga lugar kung saan mayroon o nagkaroon ng presensya o impluwensya ang CPP-NPA-NDF.

Ito ay para matugunan ang mga kakulangan ng social services sa mga nasabing pamayanan, na isang karaniwang dahilan kung bakit marami sa kanayunan ang nahihikayat na lumahok sa armadong rebelyon.

Sa nasabing aktibidad, namahagi ang DOH ng libreng serbisyong medikal sa mga residente ng Annafatan at mga karatig barangay at namigay naman ng mga libreng binhi ang Department of Agriculture para sa mga magsasaka.

Tumulong din ang PNP, BFP, at 501st Infantry Battalion ng Philippine Army na ibahagi ang mga Family Food Packs mula sa DSWD.

Suportado ang mga nasabing ahensya ng Amulung LGU at Cagayan Provincial Government.

Source: PIA Region

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles