20.7 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

Pamahalaang Lungsod ng Batac, ipinagdiwang ang 156th Anibersaryo ng kapanganakan ng Bayaning Ilokano na si General Artemio Ricarte

City of Batac, Ilocos Norte – Ipinagdiwang ng lungsod ng Batac, Ilocos Norte ang ika-156th na anibersaryo ng kapanganakan ng bayaning ilokano na si General Artemio “Vibora” Ricarte na ginanap sa Ricarte Park and Shrine nito lamang Huwebes, Oktubre 20, 2022.

Ang naturang programa ay pinangunahan ni Hon. Albert D. Chua, City Mayor ng nasabing lungsod kasama ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).

Nagsagawa ng parada bago ang programa. Ito ay nilahukan ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaang lungsod, mga Punong Barangay, mga opisyal ng DepEd Batac, mga mag-aaral mula sa iba’t ibang high school at mga mag-aaral ng Mariano Marcos State University ROTC.

Si Hon. Matthew Marcos Manotoc, Governor ng Ilocos Norte, ang nagsilbi bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa kaganapan. Dinaluhan din ito ni Brigadier General Restituto Rivera, Deputy Administrator ng PVAO.

Ang kaganapan ay binigyang-diin sa pamamagitan ng seremonya ng wreath-laying bilang pagpupugay sa ika-156th na Anibersaryo ng Kapanganakan at ang paglilipat ng mga natitirang personal na gamit ni Gen. Ricarte mula sa kanyang pinakamalapit na kamag-anak sa Ricarte National Shrine.

Si Gen. Artemio Ricarte ay isang heneral na Pilipino noong Rebolusyong Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay tinaguriang Ama ng Philippine Army. Siya ay ipinanganak noong Oktubre 20, 1866, sa Batac City.

Samantala, idineklara ng Malacañang ang Oktubre 20 bilang isang “Special Non-Working Holiday” sa Lungsod ng Batac, Ilocos Norte. Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sa pamamagitan ng awtoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Proclamation No. 69 noong Oktubre 13, na nagdeklara ng holiday sa lungsod.

Sa katunayan, noong Oktubre 4, ang Mariano Marcos State University at ang Philippine Rice Research Institute ay nag-unveil ng isang rice paddy art na nagtatampok kay Ricarte upang parangalan ang Ilokano na bayani at ang ama ng Philippine Army.

Source: City Government of Batac

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles