Naghatid ng iba’t ibang serbisyo ng gobyerno ang Local Government Unit ng Tarlac City para sa mga residente ng Brgy. San Nicolas, Tarlac City nito lamang Huwebes, Oktubre 20, 2022.
Ang naturang programa ay tinawag na Angel Care Program Handog ng Ina ng Lungsod ng Tarlac kung saan nabuo ito sa pamumuno ni Hon. Ma. Cristina Angeles, City Mayor.
Nagkaroon ng Anti-Rabies Vaccination, Blood Typing, Local Job Recruitment, Anghel Alalay sa Maysakit at Kapansanan, Legal Services o Tulong Pang-legal, Late Birth Certificate Registration, Salamin para sa Malinaw na Paningin, Newborn Kits, Angel Care Pharmacy, Dental Services, Medical Check Up, COVID-19 Vaccine at Antigen Test.
Nagkaroon din ng Libreng Gupit para sa mga residente na handog ng PNP at AFP.
Umabot sa 1,050 na residente ang naging benepisyaro ng naturang aktibidad.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac na patuloy ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar.