Patuloy pa rin sa pagpapaabot ng tulong ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa mga residenteng nabaha sa pagsalanta ng bagyong Neneng sa Sta. Ana, Cagayan.
Hindi alintana ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, Municipal Social Welfare and Development Office kasama ang mga kapulisan at kasundaluhan upang maibigay ang pangangailangan ng mga residente ng nasabing bayan.
Tinatayang nasa 600 Family Food Packs (FFPs), 200 hygiene kits at 200 sleeping kits ang naipamahagi sa munisipalidad ng Sta. Ana, Cagayan.
Lubos na pasasalamat ang naging tugon ng mga residente sa tulong at suporta na galing sa Gobyerno.
Source: DSWD Region 2