Sa pangunguna ng City Agriculture Office, nagkaroon ng technology demonstration upang masuri ang pagka-produktibo ng hybrid at certified seeds na naitanim ng mga magsasaka ng siyudad na ginanap sa Brgy. Santiago Norte, La Union nito lamang Oktubre 15, 2022.
Nagsilbing cooperator si Mr. Cristopher Borja, Farmer Leader at Barangay Kagawad ng Brgy. Santiago Norte na siya ring nagsagawa ng filed activities mula sa land preparation hanggang sa pag-aani.
Layunin ng aktibidad na makita ang ilang inobasyon na maaaring magamit ng mga magsasaka at malaman kung anong mga variety ng quality seeds ang mataas ang ani.
Ayon pa sa aktibidad, ilang variety ang sinuri ang NSIC Rc49oH (Dinorado) at NSIC Rc540H (SL-20H) na hybrid seeds at NSIC Rc222 at NSIC Rc480 (Green Super Rice) na certified seeds.
Mula sa inisyal na datos na kanilang nakalap, nagkaroon din sila ng crop cut o sampling kung saan nakita nila kung anong variety ang may pinakamaraming naani sa barangay na pinagdausan.
Samantala, napag-alaman din nila na NSIC Rc490H ang isa sa variety ng hybrid seeds na may pinakamataas na Return of Investment sa lahat ng variety na sinuri base sa kanilang cost and return analysis.
Ayon sa naitalang datos, maaaring mas mataas ang gastusin sa pagtatanim ng hybrid rice ngunit mas mataas naman itong umani at mas mataas din ang kabuuang kita kumpara sa sertipikadong binhi.