13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

TESDA Ilocos Sur, bumisita sa mga liblib na lugar upang magsagawa ng libreng pagsasanay

Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Ilocos Sur ay bumisita sa Sitio Linggawa ng Pidpid Village, Sta Cruz, Ilocos Sur upang magsagawa ng libreng pagsasanay sa Shielded Metal Arc Welding-National Certificate 1 (NC 1) sa 15 scholars nitong ika-12 ng Oktubre 2022.

Ang mga scholars ay sasailalim sa 34 araw na pagsasanay at karagdagang tatlong araw para sa entrepreneurship training.

Lubos naman ang pasasalamat ni Ginoong Bernabe Sec-Ay Jr., Sitio Leader ng Sitio Linggawa sapagkat naabot ng TESDA ang kanilang liblib na lugar.

Ayon pa kay Ginoong Sec-Ay, lagi silang masaya at patuloy na magpapasalamat sa TESDA sa mga ibinibigay nitong mga pagsasanay, kagamitan at lahat ng tulong na dinadala sa kanilang Sitio at maaasahan ng TESDA na ang mga ito ay magagamit para sa ikagaganda at ikauunlad ng kanilang komunidad.

Ang mga scholars/trainees ay mabibigyan ng allowance na Php160 bawat araw, new normal assistance na Php500 at uniform allowance na Php500.

Lahat ng adhikain ng pamahalaan para sa ating bansa ay unti-unting matutupad basta tulong-tulong at sama-sama tayo.

Source: PIA Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles