Binigyan ng kagamitan ang 36 na Tobacco Growers ng City Agriculture Office (AGR) para sa paggawa ng curing barns at curing sheds na isinagawa sa San Fernando City, La Union nito lamang Martes, Ika-11 ng Oktubre 2022.
Ang mga nabigyan ng materyales ay nanggaling sa Barangay Nagyubuyuban, Dallangyan Oeste, Santiago Sur, Tanquigan, Bungro, Dallangayan Este, Narra Oeste, Narra Este, Pao Norte at Pacpaco.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad nina City Administrator Col. Ramon F. Laudencia at City Agriculture Staff na sina Ms. Joan Pasca at Ms. Mary Dulce Camat.
Inaasahan na mayroon pang kasunod na batch ang mabibigyan ng mga kagamitan na nakadepende sa maaprubahang pondo.
Patuloy ang City Government of San Fernando, La Union na sumuporta sa mga sektor ng agrikultura tungo sa mapayapa at magaan na buhay.
Source: City Government of San Fernando La Union