Namahagi ang pamahalaan ng Lungsod ng Batac, Ilocos Norte ng Combine Harvester para sa magsasaka ng Barangay Quiom at Barangay Maipalig sa naturang lugar nito lamang umaga ng Martes, ika-11 ng Oktubre 2022.
Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Hon. Windell D. Chua, Vice Mayor ng City of Batac, Ilocos Norte kasama ang ilang SP Members, at pinangasiwaan ng City Agriculture Office na ginanap sa parehong lugar ng Qiuom Community Center at Maipalig Community Center sa nasabing lungsod.
Ayon kay Hon. Vice Mayor Chua, layunin ng programa na matiyak ang napapanahong pagkakaroon ng kinakailangang pataba para sa produksyon ng palay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pataba.
Ayon pa kay Hon. Vice Mayor Chua, ang modernong combine harvester, o simpleng combine, ay isang maraming gamit na makina na idinisenyo upang mahusay na anihin ang iba’t ibang mga pananim ng butil. “Ito ay malaking pakinabang para sa mga magsasaka dahil mula sa pagsasama-sama nito ng apat na magkakahiwalay na operasyon ng pag-aani, paggiik, pagtitipon, at pagpapatalim—sa isang proseso,” aniya.
Samantala, ang mga magsasaka ng Lungsod ng Batac ay umaasa sa mas mataas na ani ng palay sa darating na panahon dahil sumailalim sila sa rice pre-dispersal training sa Mariano Marcos State University (MMSU) noong Hulyo 10, 2022.
Source: City Government of Batac