Pumirma ng Marketing Agreement ang hanay ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Irrigators Associations of the National Irrigation Administration (NIA-IA) nitong Oktubre 4, 2022 sa NIA-Regional Training Center, Solana, Cagayan.
Napapaloob sa nasabing kasunduan na ang mga miyembro ng Irrigators Associations mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ang siyang magbibigay ng supply ng mga gulay at iba pang agricultural products sa jail facilities upang maisakatuparan ang mandato ng BJMP na makapagbigay ng sapat, masustansya, at masarap na pagkain para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ayon sa Presidente ng Regional Confederation of IA na si Fernando Cristobal, malaking bagay ang naganap na kasunduan para sa mga magsasaka sapagkat hindi na sila mangangamba na masasayang ang kanilang mga ani.
Naganap ang nasabing kasunduan sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 bilang parte ng Enhance Partnership against Hunger and Poverty (EPAHP) Program ng pamahalaan.
Source: DSWD Region II