23.3 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

City Government ng San Fernando City, La Union, namahagi ng tulong sa Sitio Calaungan

Naghatid ng tulong ang Special Committee Team ng City Government of San Fernando City, La Union sa Sitio Calaungan ng Barangay Nagyubuyuban nito lamang Miyerkules, ika-05 ng Oktubre 2022.

Nagsagawa ang grupo ng community organizing, data profiling, medical mission at namahagi rin sila ng relief goods, gamit at dental kits sa nasabing lugar.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng City Health Office (CHO) ang bakuna at medical check-up katuwang naman ang City Civil Registry at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang datos sa bawat pamilyang may persons-with-disabilities (PWD), late registered na anak o iba pang dapat malaman ng City Government para mas matugunan ang pangangailangan ng Sitio.

Bukod pa rito, pinangunahan naman ng City Agricultural Office (AGR) ang pagbuo ng organisasyon ng magsasakang kababaihan ng rural improvements club at namahagi ng vegetable seeds at biological insecticide na foliar spray na siyang poprotekta sa kanilang pananim laban sa mga peste.

Binigyan pansin naman ng City Engineering and Architectural Services (EAS) ang kanilang hiling na aralin at magsagawa ng validation sa mga kalsada na farm to market at problema sa patubig ng kanilang pananim.

Ang City Government ng San Fernando City La Union ay mapupuntahan kahit na ang pinakamalayong lugar sa kanilang nasasakupang lugar upang matugunan ang mga pangangailangan at patuloy na magbibigay ng tulong ang mga nasabing grupo upang guminhawa ang pamumuhay ng bawat isa.

Source: City Government of San Fernando City La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles