City of Batac, Ilocos Norte – Mga Bagong Halal ng Barangay Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) Coordinators sa Batac, Ilocos Norte, nanumpa sa kanilang tungkulin bilang bahagi ng 2022 Elderly Filipino Week Celebration nito lamang hapon ng ika-3 ng Oktubre 2022.
Pinangunahan ni Hon Albert D. Chua, City Mayor, City of Batac, Ilocos Norte ang panunumpa at pinangasiwaan naman ni Ms. Viraluz Raguindin, OSCA President Batac-Chapter.
Ayon kay Hon. Mayor Albert D. Chua, malaking kontribusyon ng mga senior citizens para sa kaunlarang tinatamasa ng lungsod ngayon. Tiniyak din niya ang buong suporta sa lahat ng mga proyekto at programa para sa kapakanan ng mga lolo at lola ng lungsod.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor Albert D. Chua ang kanyang pasasalamat sa ating mga mahal na nakatatanda sa hindi pagreretiro sa pagiging inspirasyon ng mga nakababatang henerasyon at sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa pagpapaunlad ng komunidad.
Samantala, ang Elderly Filipino Week ay ginugunita tuwing Oktubre 1 hanggang 7 sa pamamagitan ng Proclamation No. 470, na inilabas ng noo’y Presidente Fidel Ramos noong Setyembre 26, 1994.
Source: City Government of Batac