Nakabalik na sa bansa nito lamang Sabado, Oktubre 1, 2022 ang pangalawang batch ng mga magsasaka mula Isabela na sumailalim sa Farmers Internship Program sa Yanggu, Jinan, at Wanju, South Korea.
Ang naturang programa ay inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na naglalayong matulungan ang mga magsasaka at mapataas ang antas ng kanilang kaalaman at kakayahan upang makasabay sa makabagong teknolohiya at pagbabago.
Bukod pa dito, binibigyang katuparan din ng programa ng oportunidad ang mga kalahok na magkaroon ng karagdagang kita para sa kani-kanilang mga pamilya.
Mainit na tinanggap ng mga opisyales ng nasabing lalawigan at mga kaanak ang mga magsasaka sa kanilang pagdating sa kapitolyo.
Sa kabuuan, 48 ang ipinadala ng probinsya para sa programa ngunit 15 ang umuwi ng maaga dahil sa problema sa kalusugan at pamilya.
Samantala, lubos naman ang naging pasasalamat ng mga kalahok sa pambihirang pagkakataon na naibigay sa kanila ng gobyerno.
Source: Isabela PIO