19.2 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Tourism-related Training, hatid ng pamahalaan sa mga stakeholder saCalayan Island

Sumailalim ang mga stakeholders sa bayan ng Calayan, Cagayan sa isang Tourism-related Training hatid ng Technical Skills and Development Authority (TESDA) at Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan nitong Setyembre 29, 2022.

Ayon kay Jenifer Junio-Baquiran, Officer-In-Charge ng Cagayan Tourism Office, layunin ng programa na gawing handa ang komunidad sa plano ng pamahalaang panlalawigan na gawing flagship world tourist destination ang Calayan, na siyang nag-iisang island ng lalawigan.

“More jobs and more opportunities for tourism stakeholders. At ang Calayan bilang ang plano ng Gobernador na gawing flagship world tourist destination ay inihahanda natin para sa turismo,” ani Baquiran.

Sumailalim ang mga kalahok sa training na housekeeping, hilot, manicure, pedicure, hair cutting, hilot wellness massage, bread and pastry, food and beverage services, coconut processing, at fish processing.

Itutuloy ang mga pagsasanay na ito sa iba’t ibang tourism-related skills hanggang sa maging handa na ang komunidad para sa world-class tourism service ng isla.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles