19.2 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

KALAHI-CIDSS, isinagawa ng DSWD Field Office 1 sa Luna, La Union

Nagsagawa ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) Regional Program Management Offices – Luna Area Coordinating Team ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 nito lamang Huwebes, ika-28 ng Setyembre 2022.

Ayon sa DSWD Field Office 1, ang nasabing aktibidad ay para sa mga Barangay Local Government Units (BLGUs) at community volunteers ang Disaster Risk Reduction – Climate change Adaptation Training sa bayan ng Luna, La Union.

Ayon sa DSWD Field Office 1, layunin ng aktibidad na madagdagan ang kaalaman ng mga nasabing kalahok ukol sa mga maaaring mangyari sa oras na may sakuna na maaaring magkaroon ng masamang epekto hindi lamang sa mga residente kundi na rin sa mga naipatayong proyekto sa ilalim ng Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay- Balik Probinsya, Bagong Pag-asa.

Dagdag pa ni DSWD Field Office 1, na sumailalim din ang mga nakilahok sa mga training kagaya lamang ng Basic Leadership Training upang malaman nila ang kanilang kakayahan sa pagpapalakad, pamumuno at pagdedesisyon at pagsasaayos ng grievance o conflict sa mga isinagawang community sub-projects sa kanilang barangay.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles