Nagkaroon ng Operational Briefing at Incident Management Team ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) bilang sa paghahanda sa pagulan dulot ng bagyong Karding nito lamang ika-25 ng Setyembre 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) para sa paghahanda at pagkaroon ng drainage assessment ang City Engineering and Architectural Services (EAS) upang makita ang mga lugar na maaaring magkaroon ng pagbaha.
Ayon sa CDRRMO, katuwang nila ang mga ibang ahensya ng gobyerno tulad ng City Health Office, City Social Welfare and Development Office, Bureau of Fire Protection at Philippine National Police na patuloy sa pagpapanatili ng katahimikan sa lahat ng siyudad.
Binibigyang diin ng CDRRMO ang kaligtasan ng publiko at mga taga-responde upang magkaroon ng maayos na impormasyon at desiminasyon at koordinasyon sa bawat barangay.
Source: City Government of San Fernando City La Union