14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Bagong Tourism Brand ng Cagayan, inilunsad

Inilunsad ang bagong tourism brand ng lalawigan ng Cagayan na “Endless Fun, Cagayan!” sa isang programang naganap sa Robinson’s Place, Tuguegarao City, Cagayan nitong Biyernes, Setyembre 23, 2022.

Ayon kay Jenifer Junio-Baquiran, Officer-In-charge ng Cagayan Tourism Office, ang bagong lunsad na tourism brand ay naghahayag ng walang katulad at walang hanggang adventure at kasiyahan sa Cagayan dala ng mga kamangha-manghang tanawin at tourist spots, katakam-takam na pagkain, at maging ang natatanging galing at husay ng mga Cagayano.
Hango ang bagong logo sa mga kulay ng official seal ng Cagayan, kung saan ipinapakita ang yaman ng lalawigan.

Sumasalamin naman ang bangka sa isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Cagayano; ang rosal na bulaklak bilang official flower na sumisimbolo naman ng ganda at kadalisayan ng probinsiya; ang malawak na Cagayan River bilang ang buhay at ang mahabang kasaysayan ng lalawigan, at mga kweba na nagpapakita ng walang hanggang adventure sa Cagayan.

Pinangunahan ang aktibidad ni Governor Manuel N. Mamba, Atty. Mabel Villarica-Mamba, Provincial Administrator, Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, Jenifer Junio-Baquiran, Officer-In-charge ng Cagayan Tourism Office, at si Fanibeth Domingo, Regional Director ng Department of Tourism RO2.

Kasabay ng nasabing aktibidad ay inilunsad din ang coffee table book, website (www.visitcagayan.ph), song at dance ng Cagayan Tourism.

Bahagi ang mga programang ito ng stratehiya ng Provincial Government ng Cagayan upang mapalago ang turismo at buksan ang international trade para sa ikauunlad ng ekonomiya sa buong lalawigan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles