Iginawad ng Department of Social Welfare and Development Region 2 ang core shelter units sa 30 katutubong Aeta sa isang simpleng programa na naganap nitong Martes, Setyembre 20, 2022 sa Brgy. Dammang Norte, Camalaniugan, Cagayan.
Bahagi ang proyekto ng Core Shelter Assistance Program (CSAP) ng Kagawaran na naglalayong mabigyan ng isang matibay at disenteng bubong na masisilungan ang mga katutubo na nawalan ng tirahan dahil sa pagragasa ng Bagyong Juan noong 2010.
Ayon sa DSWD, ang programa ay naisakatuparan sa tulong at suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Calamaniugan at ng mga benepisyaryo.
Nagbigay ang DSWD ng Php2,100,000 para sa pagpapatayo ng mga bahay, samantala ang relocation sites ay ipinagkaloob naman ng LGU.
Dinaluhan ang turn-over ceremony nina DSWD FO2 Assistant Regional Director for Operations Franco Lopez, Municipal Mayor Isidro Cabaddu, MSWD Officer Maria Corazon Ursulum.
Sa nasabing programa ay pormal na tinanggap ng mga benepisyaryo ang Certificate of Completion and Acceptance ng kani-kanilang mga bagong tahanan.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga benepisyaryo sa biyayang ito na kanilang natanggap mula sa gobyerno. Dagdag pa nila, napakalaking tulong ng proyektong ito lalo na sa kanilang mga katutubo.
Source: DSWD Region 2