19.2 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Mahigit 100 na aso at pusa, nabigyan ng libreng veterinary services sa Dagupan, Pangasinan

Mahigit 100 na alagang aso at pusa ang nakatanggap ng libreng veterinary services sa isinagawang Veterinanry Medical Mission sa Bonuan Gueset Gymnasium, Dagupan, Pangasinan nito lamag Setyembre 19, 2022.

Ang libreng services na isinagawa ay ang Spay and Neuter, Anti-Rabies Vaccination, Anti-tick and Flee Injection at Check-up.

Ito ay isang joint project ng Pawradise PH kaugnay ng kanilang 2nd year Anniversary, katuwang ang Dagupan City Veterinary Office, Pangasinan Provincial Veterinary Office, Sangguniang Kabataan Council ng Bonuan Gueset at Rodeo Club Philippines from Virgen Milagrosa University Foundation.

Ang Pawradise PH ay isang pet store na nag-ooffer ng iba’t ibang organic product para sa mga pets tulad ng soaps, shampoos, organic supplement at raw goat’s milk.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng tamang bitamina ang mga hayop sa kanilang mga lugar na nasasakupan lalo na ang maturukan ang mga ito ng Anti-Rabies para sa seguridad sa mga posibleng makagat nito at maiwasan ang kaso ng unwanted pets sa komunidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles