Ginunita ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Lambak ng Cagayan ang Philippine Bamboo Month at World Bamboo Day sa pamamagitan ng isang Tree Planting Activity sa Lannig, Solana, Cagayan nitong Lunes, ika-19 ng Setyembre 2022.
Pinangunahan ang aktibidad ng Department of Trade and Industry Region 2 at sa pakikipagtulungan ng Cagayan Valley Bamboo Industry Development Council (CAVBIDEC), at Department of Environment and Natural Resources Regional Office No. 02 (DENR 02) na may temang “Industriyang Kawayan, Para sa Paglago ng Ekonomiya at Kalikasan”.
Mahigit 30 na Regional Line Agency, lokal na pamahalaan, akademya, at pribadong sector ang aktibong nakilahok sa nasabing aktibidad.
Sa kabuuan, 250 na bamboo propagules ang sabay sabay na naitanim ng mga kalahok.
Samantala, hinimok naman ni DTI Regional Director Leah Pulido Ocampo ang lahat na makipagtulungan upang isulong ang industriyang kawayan para sa paglago ng ekonomiya at ng kalikasan.
“Let us make Cagayan Valley Region more vibrant, more sustained participation in the bamboo value chain globally,” ani Director Ocampo.
Source: DTI Region II