Nagbalik-loob sa gobyerno ang tatlong dating miyembro ng Counter Terrorist Groups (CTGs) at 52 Militante ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang binawi ang suporta sa CPP-NPA sa Brgy. Siling Bata, Pandi, Bulacan nito lamang Biyernes, Setyembre 16, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government Unit ng Pandi, Bulacan, Philippine Army, Pandi PNP at mga Barangay Officials.
Nagkaroon ng panunumpa ang mga dating kasapi ng militanteng grupo at dating miyembro ng CTGs.
Nagsunog ng bandila ng CPP-NPA-NDF bilang tanda ng pagbabalik-loob sa pamahalaan.
Patunay na walang magandang maidudulot kung makikisapi sa mga militanteng grupo upang labanan ang gobyerno. Dapat tayo ay magkaisa bilang mamamayang Pilipino at ating suportahan ang programa at proyekto ng pamahalaan tungo sa mas maunlad na bansa.