14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Mga Kagamitan sa pagsasaka, ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Narvacan, Ilocos Sur

Pinangunahan ni Mayor Pablito Sanidad ang pagpapamahagi ng mga iba’t ibang kagamitang pang-agrikultura sa mga magsasaka ng Brgy. Pantoc, Narvacan, Ilocos Sur nitong Setyembre 16, 2022.

Ilan sa mga kagamitang naipamahagi ay harvester, kuliglig, diesel engine pumps at mga iba pang kagamitang pangsaka bilang patunay na hindi pinapabayaan ang mga magsasaka sa nasabing munisipalidad.

Sa mensahe ni Mayor Sanidad, ipinaabot niya sa mga magsasaka na patuloy nilang aasahan ang buong suporta at tulong ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Sanidad, ang pagpapamahagi ng mga modernong kagamitan ay parte ng mechanization program ng gobyerno na kung saan ang pangunahing layunin nito ay mabigyan ang mga magsasaka ng mas maraming ani ngunit mas mababang production cost.

Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng mga magsasaka ng Brgy. Pantoc sa mga kagamitang kanilang natanggap mula sa nasabing lokal na pamahalaan. Kasamang nagpamahagi ni Mayor Sanidad ang mga iba pang opisyales ng Narvacan, Ilocos Sur.

Source: Narvacan Naisangsangayan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles