Nasa 83 na pamilya sa bayan ng San Emilio at Gregorio Del Pilar sa lalawigan ng Ilocos Sur ay nakatanggap ng cash assistance mula sa National Housing Authority (NHA) nitong September 14, 2022 sa Candon City, Ilocos Sur.
Ang pamamahagi ng cash assistance ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Special Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA para sa mga pamilyang ang mga tahanan ay napinsala ng 7.0 magnitude na lindol nitong Hulyo 27, 2022.
Personal na pinamunuan ni Engineer Jefferson Ganado, Officer-In-Charge ng Regional NHA ang pamamahagi ng cash assistance.
Ang pamimigay ng cash assistance ay may layuning tulungang bumangon ang ating mga kababayan mula sa pinsalang naidulot ng lindol.
Inaasahan din ng bayan ng San Emilio na sila ay makakatanggap ng Resettlement Assistance Program (RAP) matapos e-assess ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) bilang kritikal na lugar sa aftermath ng lindol.
Source: National Housing Authority Region 1 & CAR-1