Nakapagtanim ng 7,366 seedlings ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa isinagawang Simultaneous Tree Planting Activity na naganap sa iba’t ibang lugar sa limang probinsya ng Lambak ng Cagayan.
Sabay-sabay na nagtanim ang mga kalahok sa mga bayan ng Solana, Cagayan; Uyugan, Batanes; Quirino, Isabela; Cabarroguis, Quirino; at Bayombong, Nueva Vizcaya.
Pinangunahan ang aktibidad ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Agriculture (DA).
Maliban sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay aktibo din na nakilahok sa aktibidad ang mga stakeholders at Non-Government Organizations.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Regional Executive Director Gwendolyn C. Bambalan ng DENR na ito na ang pagkakataon upang makapag-ambag ang lahat na mapagaan ang epekto ng Climate Change.
“We gathered here today to join force for the rehabilitation, restoration, preservation of our nature by planting trees and make sure that these seedlings are going to grow”, ani Director Bambalan.
Source: DOLE 2