Nakatanggap ng Php11M halaga ng Swine Repop Grant ang dalawang Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) sa Echague, Isabela nitong Biyernes, Setyembre 9, 2022.
Pormal na tinanggap ng Wesley Savings Multi-Purpose Cooperative at Liga ng mga Barangay ng Isabela Multi-purpose Cooperative ang Php5.5M bawat isa mula sa gobyerno na kanilang ginamit upang simulan ang kani-kanilang bio-secured facilities sa Garit Norte at Libertad, Echague, Isabela.
Parte ang benepisyo ng programang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) para sa muling pagpapadami ng baboy sa bansa upang mapagaan ang epekto ng pagtama ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Nitong buwan ng Agosto ay nagkaroon ng pagpupulong ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) sa mga opisyales at miyembro ng 8 Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) na kwalipikado sa Php5.5M grant sa buong Lambak ng Cagayan.
Ang walong FCAs na ito ay binubuo ng Bayaning Magsasaka Damayan Villaverde Association, Mabitbitnong SWISA, Liga ng mga Barangay ng Isabela MPC, Claveria Poultry Raisers Association, Northern Luzon Multi-Purpose Cooperative, Progress Farmers Association, Wesley Savings and Multi-Purpose Cooperative, at Northern Tumauini Cereal and Dairy Farmers Coop.
Source: Department of Agriculture Region 2