Nagsagawa ng 4 days COVID-19 Disinfection ang Tarlac City Office sa iba’t ibang barangay ng nasabing siyudad mula Setyembre 6-9, 2022.
Ang nasabing disinfection ay alinsunod sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles ng Tarlac City katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Kabilang ang Laoang, San Pascual, San Sebastian, San Vicente, Paraiso, Maliwalo, San Nicolas, Balibago 2, Culipat, San Manuel, San Jose De Urquico, Dela Paz, San Francisco, Sapang Tagalog, Dalayap, Tarji, Balibago 1, Matatalaib at San Miguel, mga lugar kung saan nagsagawa ng COVID-19 disinfection.
Layunin nito na maproteksyonan at maka-iwas ang mga residente laban sa COVID-19.
Patunay lamang na ang pamahalaan ay patuloy sa pagbibigay ng kalidad na serbisyo para sa mga mamamayan.