Tinoc, Ifugao – Iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) Ifugao ang mga business kits sa mga Micro Entrepreneurs mula sa iba’t ibang barangay ng Tinoc, Ifugao kaugnay sa DTI’s “Livelihood Training Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay & Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa” na ginanap sa Brgy. Poblacion, Municipal Gymnasium, Tinoc, Ifugao nito lamang Setyembre 9, 2022.
Pinangunahan ni Ginoong Lino D. Cungihan, Provincial Director, DTI Ifugao, ang maikling seremonya katuwang ang LGU-Tinoc sa pamumuno ni Municipal Mayor, Hon. Samson Benito.
Layunin ng programa na matulungan at mabigyan ng karagdagang kaalaman at panimula ang mga small time entrepreneur sa nasabing lugar.
Binigyang-diin ni DTI Provincial Director Cungihan na magiging posible lamang ang pag-unlad kung magkakaroon ng kapayapaan sa komunidad.
Bukod pa dito, hinikayat din nya ang mga mamamayan na makiisa sa mga programa ng gobyerno sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang lugar.