21.1 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

Financial Assistance para sa pagsasaayos ng mga Tourists’ Destinations na naapektuhan ng lindol ipinakiusap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur

Ipinakiusap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur ang financial assistance mula sa mga iba’t ibang kinauukulang ahensya ng gobyerno para maisaayos muli ang turismo sa probinsya matapos ang lindol noong nakaraang Hulyo na kung saan maraming mga infrastraktura ang naapektuhan.

Ayon kay Provincial Board Member Gina Cordero, Chairman ng Committee on Tourism and Trade Industry, nakapagpadala na ang komite ng resolusyon sa Department of Tourism, National Commission of Culture and Arts, National Archive of the Philippines, National Historical Commission of the Philippines at Philippine Economic Zone Authority at pati na rin sa mga Opisina ng mga Congressman sa dalawang distrito ng probinsiya.

Sa mensahe ni Bokal Cordero, ipinapaabot niya na bukas ang mga tourists’ destinations sa probinsya ngunit ang labinlimang simbahan na madalas na dinarayo ay hindi ligtas na puntahan kasama na dito ang mga simbahan sa Vigan City at sa Bayan ng Bantay.

Ipinaliwanag naman ng mga volcanologists na hindi kaagad maaayos ang mga naapektuhang infrastraktura sa kadahilanang kailangan munang magpalipas ng anim na buwan dahil patuloy na mararamdaman ang mga aftershocks ng lindol na kung saan puwede itong makaapekto sa mga gagawing pagsasaayos.

Pinayuhan din ni Bokal Cordero ang mga turista na mahilig mamasyal sa mga talon na huwag munang pumunta sa Vagina Falls sa Suyo, Ilocos Sur dahil madalas pa rin ang landlslide lalong-lalo na ngayong panahon ng tag- ulan. Kapalit nito ay puwedeng pasyalan ang Pinsal Fall na matatagpuan sa Bayan ng Sta. Maria, Ilocos Sur.

Source: Sure Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles