14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

DA namahagi ng 150 na biik sa Bagac, Bataan

Nakatanggap ng sentinel piglets mula sa Department of Agriculture ang 50 na swine raisers na residente ng Bagac, Bataan nito lamang ika-1 ng Setyembre 2022.

Ito ay bahagi ng programa ng Department of Agriculture (DA) na African Swine Fever Recovery Program sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE).

Ang pamamahagi ng mga biik ay pinangunahan ng DA Regional Field Office III sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office ng Bagac, Bataan kung saan ang 150 na biik ang naibigay sa 50 na nag-aalaga ng baboy.

Kada isang tao ay may tatlong biik ang binigay para makabangon sa pagkakalugi dahil sa pag-usbong ng ASF.

Ayon kay Agripina Tuazon, Agriculturist II ng DA’s Livestock Program, bukod sa tatlong biik na naibigay ay nakatanggap din ng siyam na sakong feeds, bitamina, disifectants at antibiotics para mas maayos na lumaki ang mga biik.

Patunay lamang na ang ating gobyerno sa pangunguna ng Department of Agriculure ay patuloy sa pagtulong sa ating mamamayan upang mas mapalago ang kanilang pangkabuhayan.

xxx

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles