Natagpuan ng 77th Infantry Battalion at Cagayan PNP ang imbakan ng mga baril, bala, at pampasabog ng mga Komunistang Teroristang Grupo nito lamang ika-30 ng Agosto taong kasalukuyan sa Barangay San Miguel, Baggao, Cagayan.
Naglalaman ang imbakan ng apat (4) na Rifle Grenade; anim (6) na revolver; isang (1) homemade caliber 22; isang (1) homemade barrel para sa shotgun; isang (1) homemade barrel ng caliber 45; siyam (9) na 5.56mm na bala; anim (6) na 5.56mm linked ammunitions; anim (6) na 7.62mm ammunitions; pitong (7) bala ng 9mm; isang (1) bala ng Magnum Caliber 22; pitong (7) bala ng Magnum Caliber 38; isang (1) bala ng Caliber 38; and at apat na basyo ng bala.
Maliban dito, nasamsam din ng mga awtoridad ang mga subersibong dokumento gaya ng Gabay sa Diskursyon Materyalismong Diyalektiko, Minutes ng AKP November 2018 Unang 4 na Paksa at mga Siniping Pangungusap ng Tagapangulong Mao Tse Tung, at olive green t-shirt.
Samantala, pinasalamatan ni Lieutenant Colonel Magtangol G Panopio, Battalion Commander ng 77th Infantry Battalion, ang mga mamamayan sa nasabing barangay sa pagbibigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa presensya ng teroristang grupo sa kanilang lugar.
Dagdag pa niya, ang pagkakadiskubre sa mga baril, bala, at pampasabog ay malaking tulong upang mawakasan na ang laban ng bansa sa insurhensya.
Pinasalamatan naman ng mga mamamayan ng Baggao ang hanay ng kasundaluhan at kapulisan sa kanilang mabilis na aksyon upang tapusin na ang kalupitan ng CTG sa kanilang bayan.