21.2 C
Baguio City
Saturday, November 16, 2024
spot_img

Pamahalaan ng Batac at DSWD ng Ilocos Norte, muling namahagi ng Relief Goods

City of Batac, Ilocos Norte – Ang City Government of Batac at Department of Social Welfare and Development ng Ilocos Norte ay muling namahagi ng Relief Goods sa mga naapektuhan ng bagyong Florita sa Batac, Ilocos Norte na ipinaabot sa mga benepisyaryo nito lamang ika-29 ng Hulyo 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Albert D. Chua, City Mayor, City of Batac kasama ang mga iba pang opisyales ng naturang siyudad.
Ayon kay Hon. Albert D. Chua, ang naturang proyekto ay mula sa Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD sa pamamagitan ng tanggapan ni Congressman Angelo Marcos Barba, 2nd District Congressman ng lalawigan.
Ayon pa kay Hon. Chua, “Nagrequest kami ng 750 relief goods package para sa mga naapektuhan ng bagyong Florita ngunit eto’y dinagdagan at nasa 1315 ang naibigay”, aniya.
Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ay bahagi ng proteksyon na serbisyo ng DSWD para sa mahihirap, marginalized at vulnerable/disadvantaged na indibidwal.
Ang AICS ay ipinatupad ng DSWD sa loob ng ilang dekada, bilang bahagi ng technical assistance at resource augmentation support nito sa mga LGU at iba pang partners.

Source: City Government of Batac

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles