Maayos at mabilis ang ginanap na pay-out ng educational assistance ng DSWD Field Office 1 para sa mga ‘student in crisis’ sa Provincial Farmers Livelihood Development Center sa Vigan City at Ilocos Sur Community College nito lamang Sabado, ika-27 ng Agosto 2022.
Ayon sa DSWD, dalawa ang naging venue ng pay-out at mas marami ang tumulong sa kanila mula sa pagsasagawa ng assessment hanggang sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng aktibidad sa tulong na rin ng mga PNP at empleyado ng provincial government.
Umabot sa 786 na kliyente ang dumalo sa pangalawang sabado ng payout mula sa iba’t ibang siyudad at bayan sa probinsya kung saan 1,285 na benepisyaryo ng educational assistance ang nakatanggap.
Samantala, patuloy pa rin ang DSWD Field Office 1, sa mga programang ilulunsad kasama ang iba’t ibang organisasyon para makiisa at makipagtulungan sa mamamayan upang sa ganun ay makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong lalo na ang ating mga mag-aaral sa bansa.