Namahagi ng livelihood starter kits ang City Agricultural Office (AGR) ng San Fernando City, La Union sa limang bagong organisang Rural Improvement Club (RIC) na ginanap nito lamang Huwebes, ika-25 ng Agosto 2022.
Ang mga nabigyan ng livelihood starter kit ay ang Rural Improvement Clubs ng Barangays Apaleng, Bangbangolan, Bato, Sacyud, at Sibuan-Otong na dumaan sa pagsasanay sa pagproseso ng kanilang produksyon ng gulay at malinang ang kanilang kakayahan sa paggawa ng processed food at value added products.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni Manong Dong, City Administrator Col. Ramon Laudencia, City Councilors Hon. Pablo Ortega at Hon. Kyle Nisce, City Agriculturist Mary Jane Alcedo, Gender and Development (GAD) Specialist III. Ms. Liezel Licayan, at GAD Technical Working Group (GAD-TWG) Chairman Ma. Theresa Navarro.
Ayon kay Manong Dong, makakatulong ang starter kit sa kanilang natanggap sa paggawa ng Income Generating Product (IGP) base sa kanilang natutunan sa training na magiging karagdagang kita ng kanilang grupo.
Dagdag pa ni Manong Dong, kasama sa mga naibigay ang electric meat grinder and mincer, ice-crushing blender, 14 pcs. cooking pot, kitchen tools, gas stove, kitchen cookware sets, fruit juicer machine, electric heat gun, impulse sealer, digital weighing scale, pressure cooker, strainer, puto molders, at steel working tables.
Patuloy na susuportahan ng City Government ang kakabsat nating kababaihan at magsasaka upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Source: City Government of San Fernando, La Union