Maagap na tumugon and Department of Social Welfare and Development Region 2 upang magpaabot ng tulong sa mga naging biktima ng bagyong Florita na puminsala sa malaking bahagi ng Rehiyon ngayong Agosto 23, 2022.
Namahagi ang ahensya ng 120 na Family Food packs (FFP), sleeping at hygiene kits sa Maconacon, Isabela.
Samantala sa Bayan naman ng Enrile ay tumulong ang nabanggit na ahensya upang ilikas sa evacuation area ang mga residenteng nabaha dulot ng malakas na ulan.
Maliban sa mga nabanggit na bayan, patuloy ang aksyon ng DWSD upang mabigyan ng tulong ang mga residenteng biktima ng bagyo sa buong rehiyon Dos lalo na ang mga nasa evacuation areas.
Patuloy din ang monitoring ng kagawaran upang malaman ang datos ng mga residenteng napinsala upang mahatiran ng FFPs.
Gayundin ang patuloy na repacking at distribution katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan katulad ng Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Philippine Army 201st Cagayan Ready Reserve Infantry Batallion-2RCDG RESCOM Philippine Army.
Source: DSWD Region II FB Page