21.1 C
Baguio City
Monday, November 18, 2024
spot_img

PRLEC Consultative Meeting, isinagawa sa tatlong Threatened Barangays sa bayan ng Allacapan

Matagumpay ang isinagawang Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster Consultative Meeting sa tatlong threatened barangays sa bayan ng Allacapan noong ika-17 ng Agosto 2022.

Ang nasabing meeting ay pinangunahan ng TESDA na dinaluhan at sinalihan ng mga tauhan ng Cagayan PNP sa pangunguna ni Police Major Elmo Lorenzo bilang kinatawan ng Provincial Director ng Cagayan PPO at Police Major Antonio Palattao, Hepe ng Allacapan Police Station.

Inilahad ni PMaj Lorenzo ang mga proyekto at aktibidad ng mga kapulisan tulad ng Project Aruga, Project Pabahay, Community Outreach Program at iba pa, na talaga namang nakakatulong sa mga higit na nangangailangan.

Dagdag pa rito ay nabanggit din niya na may mga trainings at seminars na maaaring isagawa ng mga kapulisan na makakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng isang lugar.

Samantala, aktibong nakilahok din ang miyembro ng PRLEC Cluster na mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Department of Labor and Employment, Department of Agriculture, Bureau of Food and Drug at mga kawani ng LGU Allacapan.

Napag-usapan sa pagpupulong ang mga serbisyo ng bawat ahensya para sa pag-unlad ng barangay at ng mga mamamayan nito at gayundin ay ipinangako ng mga ito ang buong suporta sa lahat ng proyektong makakatulong para maibsan ang kahirapan ng komunidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles