16.8 C
Baguio City
Tuesday, November 19, 2024
spot_img

Php7.4 million halaga ng livelihood starter kits, ibinahagi ng DTI sa Pangasinan

Mahigit 842 benipisyaryo ng Pangasinan ang nabahagian ng starter kits sa ilalim ng Livelihood Seeding Program (LSP) ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagkakahalaga ng Php7.4 million nito lamang Agosto 12, 2022.

Ang Livelihood Seeding Program (LSP) ay may dalawang bahagi, ang Negosyo sa Barangay (NSB) at Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG).

Namahagi sila ng iba’t ibang livelihood starter kits sa dalawampu’t tatlong munisipyo at isang siyudad ng Pangasinan na may halagang Php7,478,501 mula pa Hulyo 29 nitong taon.

Ang pagbabahagi ng livelihood assistance sa mga benipisyaryo ay sumasailalim sa assessment, orientation, at capability building at entrepreneurship seminars para mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagsisimula at pagpapalago ng kanilang negosyo.

Ayon kay Natalia Dalaten, Provincial Director ng DTI-Pangasinan, pagkatapos maibigay at maibahagi ang mga livelihood starter kits ang DTI-Pangasinan ay nagsasagawa ng random na pagbisita sa mga benipisyaryo upang patuloy na  gabayan at tulungan ang mga ito.

Ngayon taon, ang bayan ng Umingan, Natividad, San Nicolas, Sual, Bani, San Quintin, Burgos, Aguilar, Sison, Basista, Sta. Barbara, Mapandan, at Dagupan City ay naging benipisyaryo ng LSP-NSB program at mga residente naman mula Natividad, Balungao, Burgos, San Quintin, San Jacinto, Tayug, Sison, Basista, Aguilar at Mapandan ang nakatanggap ng assistance sa ilalim naman ng LSP-PPG.

Layunin nito na mabigyan ng pangkabuhayan at pagkakataon ang mga “micro, small and medium entrepreneurs” (MSMEs) at malawak na sakop sa business development assistance at mailapit sa mga serbisyo na mula sa gobyerno.

Source: PIA Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles