Nagsagawa ang Bikers ng Ilocos Norte ng programang “Padyakan sa Paoay” Bike for a Cause para makatulong sa kagamitang pang-aral ng mga mahihirap na bata nitong Sabado ika-6 ng Agusto.
Ang aktibidad ay nilahukan ng mga siklista at tauhan ng Paoay Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Sheryll Guzman, Officer-In-Charge.
Ayon kay PMaj Guzman, ang aktibidad ay makakatulong sa pagpopondo para sa community outreach program tulad ng livelihood assistance sa mga nangangailangan at pagbibigay ng school supplies.
Ang mga kalahok ay may edad na hindi bababa sa 12 taong gulang at kinakailangang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19.
Ito ay patunay lamang na maraming paraan para makatulong sa mga batang nangangailangan ng kagamitan sa paaralan.